Shamgar of the North Well known in the forum
    member is offline
UNITED KALINGALAND
![[homepage] [homepage]](http://images.proboards.com/buttons/www_sm.gif) Joined: Feb 2010 Gender: Male  Posts: 171 Karma: 0 |  | ALAMAT NG DAGUPAN « Thread Started on Apr 21, 2010, 3:13pm » | |
ANG ALAMAT NG DAGUPAN
by Shamgar Mangida
Ang Dagupan ay isang barangay na matatagpuan sa siudad ng Tabuk,Kalinga. Ito ang centro ng nasabing siudad. Maraming storya, mga alamat tungkol dito. Isa sa mga alamat na ito ang mga kwento ng mga matatanda.
Noong unang panahon, ang Dagupan ay isang idle land o pook na nakatiwangwang. Walang makikita na opurtunidad ng pag-asenso. Mga talahid, damo, karaniwang punong kahoy, at mga wild animals lamang ang nandito.
Unang dumayo ang mga taga Montanyosa o mga tao galing sa Mt. Province gayundin ang mga taga rehiyon ng Ilocos. Sila ang mga unang nanirahan dito. Nilinang, pinaganda at inayos nila ang lupain at tinamnan ng mga sarisaring halaman na kanilang ikabubuhay.
Sumunod ang mga katutubo na galing sa mga kabundukan ng Kalinga(isang lugar na sakop noon ng Mt. Province, ngayon ay isang probinsiya). Kabilang dito ang mga katutubong galing sa Tinglayan at Lubuagan.
Sinasabing maraming awayan ng mga tribo noon, sapagkat ikinakatwiran ng mga sumunod na tribo na sila ang may ari ng lupain at dayuhan lamang ang mga taga Montanyosa at Ilocos.
Makalipas ang mga taon, ang Dagupan ay tumayong Centro ng kabihasnan. Ang mga awayan ay natigil sapagkat napag-isipan ng mga pangat o pinuno ng mga tribo na walang saysay ang kanilang mga alitan pagkat magkakubusan lang sila ng lahi.
Naging tahimik ang lupain maliban lamang sa hindi maiwasang alitan ng mga ilang pamilya. Subalit agad itong nalulutas. Dumating ang mga ibang tribo mula sa iba pang parte ng Kalinga. Dumating rin ang mga ilokano, hanggang sa dumami ang mga tao.
Naging sentro ito ng kalakalan at maraming mga mangangalakal, negosyante ang dumating. Marami ang pangalan ng pook na ito noon, kabilang dito ang kaledleddaan (maraming talahib). Sa pagdaan ng mga araw, ang mga negosyante ay dumami at tinawag nila ang pook na DAGUPAN na ang ibig sabihin sa ilokano ay PAG-UURNONGAN wenno PAGSASABATAN. Dito nagsimula ang pangalan ng Pook.
Sa paglipas ng maraming taon, ang DAGUPAN ang dinarayo ng mga tao. Magkakaiba man tribo ay ditto sila nagtitipon at nagkakaisa.
|
ONLY GOD CAN MAKE A WAY
|
|